top of page

Masakit Ang Dulo


TAG-INIT.

Kasing init ng sikat ng araw ang pagmamahal mong ipinakita.

TAG-INIT.

Panahong ang mga bakasyon ay napakasaya dahil kasama ka.

INIT.

Pakiramdam na tagos ang sakit sa balat gaya ng iniwan ka na.

TAG-ULAN.

Pagkatapos ng init ng pag-ibig ng ating mga alaala.

TAG-ULAN.

Lagaslas ng tubig sa langit ay luha na bumubuhos sa aking mga mata.

ULAN.

Bakit ang kapalit ng init ng pagsasaya ay tubig na walang humpay dumausdos sa aking mukha.

BAKIT.

Tanong na pinapaulit-ulit sa hanging bumalot sa nanlalamig na pagsinta.

ANO.

Sigaw ng damdaming hindi alam kung anong mali sa aking nagawa.

PAANO.

Humantong sa ganito, di ba't maayos naman tayong dalawa?

PANAHON.

Gaya ng panahon ay titirik ang araw sa kainitan at biglang bumuhos ang ulan na parang walang pakisama

BAKASYON.

Ligayang sinusulit ay tulad ng tag-init na may hangganan din pala.

SUMANG-AYON.

Alon na akala ko'y kakampi ngunit salungat pag bagyo'y hindi naalintana.

TAPOS NA.

Pahayag ng isip na gustong kumbinsihin ang pusong sumasambit na kaya pa.

TANGGAPIN NA.

Katotohanang sumasampal sa damdaming nanlulumo dahil mahal pa din kita.

TAHAN NA.

Mga salitang ibinibigkas ng paulit-ulit para matutunang lumaya na.

UMUSAD.

Pagkat bagong buhay ay naghihintay pala.

UMPISA.

Isang kabanata ng buhay na dapat ay buksan na.

UMAHON.

Dahil bawat pagkalugmok ay pagkakataong tumindig na.

Comentarios


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
bottom of page