top of page

Pagpapagal

Nangarap ako, nagsumikap ako.

Sa pag-aakalang sa pagtatapos ko ay simula na ng pagbabago.

Ginawa ko ang lahat. Sinuong ko ang dapat.

Makamit lang ang kursong gusto para matapos ang inaasahang bayad.


Pumasok ako, ginalingan ko.

Sa paniniwalang eto na ang buhay na inaasam ko.

Malaking sweldo. Magandang kumpanya. Pati posisyon ay layon ko na.


Iba pala. Mahirap pala.

Umulan, umaraw dapat andoon ka.

May sakit ka man, namatayan ka man.

Walang tawad ang among naninita.


Kahit anong kayod, kahit anong pagod.

Pagsisikap at pagbubuno.

Ay di pala sapat para pangarap ay makamtan mo. Nakakadismaya. Nakakapanlumo. Ang lugar na akala ko'y iyon na.


Magandang titulo. Maganda ang uniporme ko.

Kapalit nito ay kabayarang sakripisyo.

Pati baha at pagiging mandirigma, lahat ay sinuong ko.

Dahil walang pagpipilian sa pagkakataong ito.




Gawin mo ito. Gawin mo yan.

Oo lang ng oo dahil inutos ng nasa taas mo. Barya baryang kuwarta sa bulsa ay nalabas na. Hindi dapat ganito. Hindi dapat ito.


Kalayaan. Kasiyahan, Yan ang hanap ko.

Walang trabaho ang makakatumbas sa hangad ng puso ko.

Maglakbay sa malayo. Maluwag na oras. Yan ang marapatin mo.

Magising nang tanghali na walang hahabol sa'yo. Yan ang araw na pinakahahangad ko.


Mabuhay ka! Tunay na manggagawa!

Mas higit pa dapat ang dapat mong makuha.

Parangal. Respeto. Tanggapin ng gaya mo.

Patuloy na gumawa. Patuloy na magtrabaho.


Harapin mo ang oportunidad na nasa harap mo.

Huwag mong limitahan ang pwedeng puntahan sapagkat kaya mo.

Dahil sa henerasyong ito, ang pinakamainam ang piliin mo.

Kung paano simulan, pwedeng umpisahan ay negosyo.


Wag mong ikahon ang handog ng mundong ito.

Masarap na buhay at magaang pamumuhay ay dulot nito.

Maging matapang. Harapin lamang.

Dahil ang Diyos ay na sa iyo sa man ang dako mo.

Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
bottom of page