Para Sa Kinabukasan
- Pencil Book Philippines
- May 17, 2018
- 1 min read
Para sa kinabukasan
Tatlong salita na nag uudyok sa akin na kakayanin ko pa
Oo, kakayanin ko pa kahit napakahirap na
Kakayanin ko kahit na gumigising ako ng alas tres ng
madaling araw para makaposk ng opisina
Kakayanin pumasok ng maaga ng walang alintana,
dahil pangarap ang inaalala
Kakayanin ko kahit halos alas dose na ng madaling araw
na ako makauwi
Kakayanin ko kahit na iistress na ako sa mga deadlines
na binibigay ng boss ko
Kakayanin ko kahit na nauubos na ang
physical, mental at emosyonal kong lakas
Kakayanin ko ang lahat ng ito para sa kinabukasan ko

Para sa Kinabukasan ko ang halos araw-araw kong pag o-OT para tapusin ang mga kailangan kong gawin
Gawain na kahit hindi man maubos ubos, ang mahalaga kinakaya ko
Mga meetings na halos sunod sunod ang schedule
pero napapagkasya ko sa oras ko
Nakakatuwa lang isipin na minsan ay gusto ko ng sumuko pero ito pa rin ako, patuloy na pumapasok, patuloy na gumagawa at nag papatuloy para sa kinabukasan ko
Para sa kinabukasan, para sa pamilya at para sa pangarap ang mga paghihirap na ginagawa ko ngayon
Sa umpisa lang naman mahirap ang lahat
Makakasanayan ko rin naman ang lahat ng ito
At magiging madali na rin ang lahat ng ito sa akin balang araw
Dahil lahat ng ginagawa ko ngayon ay para sa kinabukasan ko
Commentaires