top of page

Please Wag Kang Tanga


Alam kong mahal na mahal mo siya

At sinabi niya noon na mahal ka rin niya

Pero ang tanong, “Dama mo pa ba?”

Ramdam mo pa bang mahal ka pa rin niya?

Mga pangako’t salitang binibigkas niya

Hindi lang ikaw ang nakakarinig at nakakadama

Maniwala ka sa’kin, nakita mismo ng aking mga mata

Meron siyang iba, please wag kang tanga

Anong pruweba pa ba bago ka maniwala

Na niloloko ka niya, na kasinungalingan ang paliwanag niya

Tuwing magpapaalam ka, yun namang eksena ng isa

Kapag wala ka sa tabi niya, may isa pang nagpapasaya

Hindi ko alam kung nagayuma ka ba

O sadyang tinitiis mo lang ang kalokohan niya?

Ayokong nakikitang nagkakaganyan ka

Itigil mo na ‘to! Please wag kang tanga


Comments


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
bottom of page