top of page

Salamat Papa


Salamat Papa!

Salamat sa lahat ng pagsasakripisyo ng oras mo sa trabaho para lang mapagtapos ako sa kolehiyo

Salamat sa pagsuporta sa lahat ng mga pangarap ko na kahit minsan ay napaka kulit ko

Salamat sa paghatid sundo sa akin sa school nung elementary pa lang ako kahit na may mga bagay ka pa dapat gawin

Salamat sa pag-aaruga mo simula noong ipinanganak ako hanggang sa ngayon kahit minsan ay nagkakasakit ka na pero patuloy pa rin ang pagmamahal mo

Salamat sa pagbibigay ng pasensya sa mga maling bagay na nagawa at andiyan ka para turuan ako kung ano ang tama

Salamat sa mga ibinibigay mong regalo sa tuwing kaarawan ko at kahit sa anong okasyon kahit na hindi ko minsan nasusuklian yon

Maraming salamat sa walang sawang pagmamahal mo sa akin bilang anak mo at sa buong pamilya kahit na minsan ay nahihirapan ka, napapagod ka o nababaliwala ka kahit na nararamdaman mo ang mga ito ay patuloy mo pa rin ibinabahagi ang walang katumbas mong pagmamahal sa amin

Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
bottom of page