top of page

Si Teacher Ang Hero Ko


Si Teacher ang Hero ko

Tinuruan niya ako ng abakada kahit na ako ay nangangamba

Nahirapan man akong intindihin ang mga bagay na ito, pero andun siya para maipaintindi sa akin ang mga ibig sabihin nito

Kaya nagpapasalamat ako dahil isa ka sa rason kung bakit ako nakakabasa at nakakasulat ngayon

Si Teacher ang Hero ko

Tinuruan niya ako ng kagandahang asal kahit na pasaway ang aking inaasal

Nahirapan ka mang turuan ako nito pero hinabaan mo ang pasensya mo para lang maituro sa akin ang bagay na ito

Kaya nagpapasalamat ako dahil malaking parte ang pagtuturo mo nito sa kung ano ang ugali ko ngayon

Si Teacher ang Hero ko

Tinuruan niya ako na maging malapit sa Diyos kahit na ang aking pag-uugali ay hindi maayos

Nahihirapan ka man sa mga problemang pinagdadaanan mo ngunit sinabi mo sa akin na kahit ako’y nalulumbay, kailangan kong pagtibayin ang pananamapalataya ko sa Panginoong Diyos na si Hesus

Kaya nagpapasalamat ako dahil dala-dala ko ito hanggang ngayon


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
bottom of page