top of page

Sila Ang Super Hero Ko


Bata pa lamang ako

Mahilig na akong manood ng iba’t ibang kwento

Kwento tungkol sa pagliligtas ng mundo

Kwento tungkol sa mga taong nagiging superhero

Iba’t iba ang kanilang lakas at kakayahan

Kanya-kanya sila ng liksi at katalinuhan

Pero lahat sila iisa lang ang hangad na makamtan

At ‘yon ay ang kaayusan at kabutihan ng karamihan

Pero napaisip ako

Biglang napagtanto na hindi sila totoo

Na lahat ng superhero sa palabas ay base lamang sa kwento

Na wala talagang superhero sa buhay ko

Ngunit hindi pala lahat ng superhero kilala ng sangkatauhan

Meron ding mga superhero na di na kailangan ng katibayan

Hindi sila yung tipong may lulunuking bato sabay palit ng kasuotan

Hindi sila naglalaho, lumilipad o nagpapalit ng kaanyuan

Sila yung tipo ng superhero na pawang totoo

Wala silang sawang mahalin ako ng buong puso

Wala silang ibang hangad kundi ang maging ligtas ako

Mahal kong ama’t ina, sila ang superhero ko


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
bottom of page