Walong Oras
- Pencil Book Philippines
- Jul 2, 2018
- 1 min read

Walo. Walong Oras akong tali sa upuan ko para magtrabaho.
Isa.
Pagkatapos ng kolehiyo. Isang malaking tuwa ang makikita sa aking mukha.
Nasasabik magsimula ng panibagong buhay. Nasasabik makapasok sa isang magandang kumpanya.
Dalawa.
Nagsumikap. Naghanap. Nag-apply sa mga pangarap na kumpanya.
Hindi natanggap. Hindi nakapasa. Hindi madaling maghanap ng trabaho.
Tatlo.
Nahihirapan, ngunit hindi susuko. Nagsumikap hanggang sa makahanap ng mapapasukan.
Hindi makatulog sa saya. Hindi makatulog sa bagong harapin sa buhay.
Apat.
Nagsimula na ang bagong kabanata sa aking buhay.
Ngayon ay kailangan ng maghanap-buhay upang makatulong sa bahay.
Lima.
Unti-unting nasasanay sa trabaho.
Pero dumarating na ang kinakatakot ko, ang umayaw sa trabaho.
Anim.
Mahirap, lalo na kung hindi mo na gusto ang ginagawa mo.
Mahirap, lalo na kung ang mga taong nakapaligid sa’yo ang sumusubok sa katatagan mo.
Pito.
Pitong taon nagsusumikap. Pitong taon kong tiniis. Pitong taon akong nagpakahirap sa trabaho ko.
Ngayon ay gusto ko naman magsimula nang naayon sa gusto ko. Ngayon ang araw para tuparin ko ang tunay kong pangarap.
Walo.
Walo. Walong oras akong tali sa upuan ko para magtrabaho
Gusto ko nang maging malaya.
Maging malaya sa walong oras na iginugugol ko sa opisina.
Gusto ko nang maging malaya.
Upang tuparin ang naisin ng aking puso.
Gusto ko nangg maging malaya.
Sa trabaho na kumain ng araw ko, na dapat iginugugol ko sa mga bagay na sasaya ako.
Comments